Journey Through Sexual Education

Reproductive System

Ito ang biological system na binubuo ng lahat ng anatomical organs na kasangkot sa sekswal na pagpaparami. Maraming non-living substance tulad ng fluids, hormones, at pheromones ay mahalagang accessories din sa reproductive system.

Ang Menstrual Cycle

Ang menstrual cycle ay ang buwanang paghahanda ng iyong katawan para sa posibleng pagbubuntis. Binibilang ito mula sa unang araw ng iyong regla hanggang sa araw bago magsimula ang susunod. Karaniwang tumatagal ito ng 28 araw, pero maaari itong mas maikli o mas mahaba.

The Period

  • Ano ito: Nalalaglag ang lining ng matris; ang dugo at tissue ay lumalabas sa pamamagitan ng puwerta.
  • Ano ang nangyayari: Dumudugo ka nang mga 3 hanggang 7 araw. 
  • Ito ang opisyal na “Day 1” ng iyong bagong siklo.

Getting Ready

  • Ano ito: Nagsisimula ito sa unang araw ng regla at tumatagal ng humigit-kumulang 13 na araw. Nagpapadala ang utak ng signal sa obaryo para maghanda ng mga follicle (maliliit na supot na may itlog).
  • Ano ang nangyayari: Karaniwang isang follicle lang ang nagiging itlog. Kasabay nito, pinapakapal muli ng estrogen ang lining ng matris para maghanda sa posibleng pagbubuntis.

Releasing the Egg

  • Ano ito: Ang mature na itlog ay inilalabas mula sa obaryo at dumadaan sa fallopian tube papunta sa matris.
  • Kailan: Karaniwan mga 2 linggo bago ang susunod na regla.
  • Ang Fertile Window: Ang 5 araw bago ang ovulation at ang mismong araw nito ang pinaka-mataas na tsansa ng pagbubuntis  kung makikipagtalik.

The Waiting Game

  • Ano ito: Pagkatapos mailabas ang itlog, naglalabas ang katawan ng progesterone para panatilihing makapal ang lining ng matris.
  • Ano ang susunod:
    • Kung fertilized ang itlog: Mabubuntis ka at hindi ka magkakaroon ng regla.
    • Kung hindi: Bababa ang hormones, malalaglag ang lining, at magsisimula ulit ang siklo.

Premenstrual Syndrome

Bago ang regla, maaaring makaramdam ng pisikal at emosyonal na sintomas. Normal ito. Kasama sa pisikal na sintomas ang pananakit ng puson, bloating, sakit ng ulo, pagkapagod, pananakit ng dibdib, tigyawat, at ang emosyonal na sintomas ang mood swings, pagiging iritable, lungkot o pagkabalisa, at food cravings.

Irregular na Regla

Karaniwang tumatagal ang regla ng 4-7 na araw at nangyayari kada 28 na araw, pero normal ang kaunting pagbabago. Kung nag-aalala, kumunsulta sa doktor o sa mapagkakatiwalaang nakatatanda.

Maaaring hindi regular kung may:

  • Timing Problems: Mas madalas ang regla sa 3 linggo o mas matagal sa 5 linggo; nawawala ng regla 3 beses sunod-sunod
  • Daloy ng dugo: Sobrang dami o sobrang kaunti; napupuno ang pad/tampon sa isang oras
  • Tagal: Higit sa 7 na araw
  • Sakit: Matinding cramps, pagsusuka, o sakit na nakakaapekto sa araw-araw na gawain
  • Hindi inaasahang pagdurugo: Spotting sa pagitan ng regla

Sanhi ng irregular period:

  • Pamumuhay: Stress, pagbabago sa timbang, sobrang ehersisyo
  • Kondisyon tulad ng thyroid problems, PCOS, o endometriosis
  • Mga gamot, birth control, o recent na operasyon

Pagbasag sa Mga Mito

Mito

Bawal maligo o maghugas ng buhok kapag may regla.

Katotohonan

Mas mahalaga ang kalinisan habang may regla.

Mito

Ang paghuhugas ng iyong damit na panloob pagkatapos ng iyong unang regla at paggamit nito upang punasan ang iyong balat ay maiiwasan ang mga pimples.

Katotohonan

Ang pagsasanay na ito ay hindi malinis at walang epekto sa acne.

Mito

Ang paggawa ng mga bagay tulad ng pagtalon ng tatlong beses ay magpapaikli ng iyong regla.

Katotohonan

Natural ang haba ng regla at hindi ito makokontrol ng simpleng gawain.

Mito

Marumi ang dugo ng regla.

Katotohonan

Ito ay natural na bahagi ng katawan. Hindi ito marumi o kadiri.

Menopause

Panahon kung kailan tuluyang humihinto ang regla at hindi na maaaring mabuntis. Normal itong bahagi ng pagtanda. Karaniwan sa edad 45-55; kumpirmado kapag 12 buwang walang regla. Humihinto ang obaryo sa paggawa ng itlog at hormones (estrogen at progesterone)

Sintomas

Iba-iba ang karanasan ng bawat babae. Ang iba ay kaunti lang ang nararamdamang sintomas, habang ang iba naman ay mas marami. Nangyayari ang mga ito dahil nagbabago ang hormones sa katawan. Ilan sa mga karaniwang sintomas ay:

  • Hot Flashes: biglaang paginit ng katawan, lalo na sa mukha at dibdib, kasunod ang pagpapawis at panginginig
  • Pagbabago sa Regla: Nagiging irregular, mas mabigat, o mas matagal bago tuluyang huminto.
  • Problema sa Pagtulog: Hirap makatulog, paggising sa gabi dahil sa pagpapawis o para umihi.
  • Pagbabago sa Katawan: Pagkatuyo ng puwerta, mababang sex drive, mood swings, tuyong balat, o pananakit ng joints
  • Problema sa Pantog: Maaaring may kaunting pagtagas ng ihi kapag bumabahing o tumatawa, o mas madalas magkaroon ng impeksyon sa pantog.

Pamamahala

Pagkatapos ng menopause, mas mahalagang alagaan ang kalusugan dahil tumataas ang panganib sa ilang kondisyon (tulad ng sakit sa puso at panghihina ng mga buto).

  • Makipag-usap sa Doktor: Maaari silang magbigay ng tamang payo kung paano pamahalaan ang mga sintomas.
  • Malusog na Pamumuhay: Ang tamang pagkain, pagiging aktibo, at pag-iwas sa paninigarilyo ay mahalaga para manatiling malakas at malusog.

Hormones

Ang hormones ay mga “messenger” ng katawan na nagsasabi kung ano ang gagawin at kailan. Kinokontrol nila ang paglaki, mood at tulog, kung paano ginagamit ng katawan ang pagkain para sa enerhiya, at sekswal na pag-unlad at reproduksyon

Natukoy ng mga siyentipiko ang mahigit 50 hormones sa katawan ng tao sa ngayon, na lahat ay ginagawa ng endocrine system, ngunit may 3 pangunahing hormones na may kinalaman sa reproduksyon:

Estrogen

Kinokontrol ang sekswal na pag-unlad ng babae at ang menstrual cycle.

  • Pinapasimulan nito ang puberty ng babae, pag-usbong ng dibdib, at ang unang regla.
  • Nagpapakapal ng lining ng matris bilang paghahanda sa posibleng pagbubuntis.
  • Pinapanatiling malusog ang puwerta

Progesterone

Inihahanda ang katawan para sa pagbubuntis at sinusuportahan ito.

  • Pinananatili nitong makapal ang lining ng matris upang dumikit at lumaki ang fertilized egg.
  • Kung may pagbubuntis, tinutulungan nitong suportahan ang sanggol at maiwasan ang maagang panganganak.
  • Hinahanda ang mga suso para sa pagpapasuso.

Testosterone

Kinokontrol ang sekswal na pag-unlad at paggana ng lalaki.

  • Pinapasimulan nito ang puberty ng lalaki, pagtubo ng balbas at buhok sa katawan, at paglalim ng boses.
  • Mahalaga ito sa paggawa ng sperm at sex drive (parehong sa lalaki at babae, ngunit mas marami sa lalaki).
  • Tumutulong din ito sa pagpapatibay ng mga kalamnan at buto.

Sanggunian

https://www.nia.nih.gov/health/menopause/what-menopause

https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/menstrual-cycle

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/24288-pms-premenstrual-syndrome

https://www.nestlefamilynes.com.au/pre-pregnancy/ovulation/fertile-window