Mga Relasyon
Ang relasyon ay anumang koneksyon ng dalawang tao, kabilang ang pamilya, kaibigan, o kasintahan. Ito ay maaaring maging positibo o negatibo. Ang “pagiging parte ng isang relasyon” ay hindi laging nangangahulugan ng pisikal na intimacy, emosyonal na attachment, o commitment, dahil may iba-ibang uri at katangian ang mga relasyon.
Mga Uri ng Relasyon
Platonic
Isang matalik, walang romansang pagkakaibigan na nakabatay sa respeto, suporta, at pag-unawa.
Romantic
Isang relasyon na may pag-ibig at atraksyon, kadalasan may pagsinta, intimacy at commitment
Codependent
Isang masama at hindi balanseng ugnayan kung saan labis na umaasa ang mga partner sa isa’t isa. Madalas ay nagpapalit-palit ng papel bilang tagapag-alaga at umaasa. Kabilang sa relasyon na ito ay ang pag-iwas sa conflict, pagkawala ng sariling identidad, at pagbibigay-prayoridad sa pangangailangan ng kasintahan mo.
Toxic
Isang mapaminsalang relasyon na negatibong nakakaapekto sa iyong emosyonal, pisikal, o mental na kalagayan. Anumang relasyon ay maaaring maging toxic, na may palatandaan tulad ng mahinang komunikasyon, pagkokontrol, panlilinlang, selos, at galit. Minsan ay parehong tao ang nag-aambag dito, o kaya naman ay may isang taong hindi sinasadyang nakakasakit dahil sa nakaraang karanasan.
Love vs Infatuation
Pag-Ibig
Ang tunay na pag-ibig ay nagdadala ng mas malalim at mas kalmadong koneksyon kung saan tunay na kilala at tinatanggap ng bawat isa ang lakas at kahinaan ng isa’t isa. Kadalasan, may matibay na pagkakaibigan na nagbubunga ng mas matinding pagmamahal, commitment, at suporta.
Mga Palatandaan ng Pag-Ibig
- May realistiko kang pananaw sa tao at mahal mo siya kahit may pagkukulang
- Unti-unting sumisibol ang iyong damdamin sa paglipas ng panahon
- Kalma ka sa presensya niya, hindi kinakabahan
- Nakikita mo ang isang makatotohanang kinabukasan kasama siya
- Malalim ang relasyon, nakabatay sa tiwala, pagiging bukas, at emosyonal na koneksyon
Infatuation
Sa simula ng relasyon, ang matinding atraksyon o “love at first sight” ay kadalasang infatuation. Ito ay pinapagana ng pananabik at hindi makatotohanan na imahinasyon tungkol sa ibang tao.
Mga Palatandaan ng Infatuation
- May hindi makatotohanan na pananaw sa tao at iniisip mo na perpekto siya
- Mabilis kang nahuhumaling sa tao
- Nakakaranas ka ng pisikal na sintomas tulad ng pagpapawis ng kamay o kaba sa tiyan
- May mga pantasya kang perpekto tungkol sa inyong dalawa
- Mababaw ang relasyon at nakabatay sa saya, pagnanasa, at hindi makatwirang damdamin
Mabuti vs Hindi Mabuti
Mabuting Relasyon
Ang mabuting relasyon ay nakabatay sa tiwala, respeto, komunikasyon, suporta, at pagkakapantay-pantay. Nagbibigay ito ng pagmamahal at koneksyon. Mahalaga ang pagtatakda ng boundaries, kompromiso, at pagbibigay-oras sa isa’t isa.
Kasama sa mabuting relasyon ang pagtanggap, paggalang sa kalayaan, katapatan, emosyonal na intimacy, pantay na kapangyarihan, at suporta sa indibidwal na paglago.
Hindi Mabuting Relasyon
Ang isang hindi mabuting relasyon ay nakakapinsala sa kapakanan ng isang tao, at kadalasang may kakulangan sa komunikasyon, tiwala, respeto, suporta, at boundaries. Maaari rin itong may kontrol, hindi nareresolbang alitan, o emosyonal at pisikal na pananakit.
Kasama sa hindi mabuting relasyon ang kakulangan sa komunikasyon, kakulangan sa tiwala, kakulangan sa respeto, kakulangan sa suporta, kakulangan sa boundaries, at ang hindi maayos na pagresolba ng alitan.
Peer Pressure
Ang peer pressure ay ang impluwensya mula sa ibang tao, lalo na sa iyong social circle, na nagtutulak sa iyo na gumawa ng mga bagay na hindi mo karaniwang gagawin. Madalas itong nauugnay sa mapanganib o negatibong gawain tulad ng paggamit ng alak o droga.
Dahil likas sa tao ang pagiging sosyal, hinahanap natin ang pagtanggap ng iba, kaya minsan ay gumagawa tayo ng desisyon para lamang makibagay kahit labag ito sa ating prinsipyo.
Maaaring maapektuhan ka ng Peer Pressure sa paggamit ng alak o droga, sekswal na aktibidad, paglabag sa mga patakaran, paggawa ng krimen, pang-aapi sa iba, pagbabago ng itsura, ay mapanganib na gawain.
Posibleng Epekto ang aksidente, adiksyon, pagkalason sa alak o droga, at ang mga STIs.
Paano Ito Harapin
Maglaan ng Oras: Mag-isip muna bago gumawa ng desisyon
Isaalang-alang ang Iyong Dahilan: Pag-isipan ang iyong mga motibasyon–huwag kumilos para lang makibagay o mapasaya ang iba
Magtakda ng Boundaries at Tumanggi: Matutong magsabi ng “hindi” nang matatag at may paggalang, lalo na kung nakataya ang iyong kaligtasan o kapakanan.
Magbigay ng Alternatibo: Magmungkahi ng ibang gawain na naaayon sa iyong mga prinsipyo habang nananatiling konektado sa iyong mga kaibigan.
Palakasin ang Kumpiyansa Para Umalis: Paigtingin ang tiwala sa sarili upang mapanindigan mo ang iyong mga desisyon at makaalis kung kinakailangan.
Humanap ng Mabuti na Kaibigan: Pumili ng kaibigan na nirerespeto ang iyong mga desisyon
Iwasan ang Mapanganib na Sitwasyon: Lumayo sa mga tao o lugar na nakakatukso
Sanayin ang Pagdedesiyon: Sanayin ang pagdedesisiyon upang mapalakas ang kumpiyansa sa pagharap sa mahihirap na sitwasyon.
Magtanong: Gumamit ng makabuluhang mga tanong upang hamunin ang peer pressure at mabago ang takbo ng pag-iisip ng grupo.
Makipag-usap sa Pinagkakatiwalaang Nakatatanda: Humingi ng gabay sa magulang, guro, o mentor
References
https://www.verywellmind.com/6-types-of-relationships-and-their-effect-on-your-life-5209431
https://www.verywellmind.com/infatuation-vs-love-7372960
https://www.webmd.com/sex-relationships/healthy-vs-unhealthy-relationships
https://www.verywellmind.com/what-is-peer-pressure-22246
https://www.verywellmind.com/setting-boundaries-for-stress-management-3144985