Bunga ng Maagang Pagbuntis
Ang mabuntis nang maaga ay kayang baligtarin at baguhin ang direksyon ng buhay. Hindi lang pisikal na kalagayan ang maaapektuhan, kundi pati na rin ang kalusuhan, emosyon, at buhay ng lahat ng apektado, kabilang ang magulang ng buntis.
Paalala: Ang impormasyong ito ay narito para gabayan ka, hindi takutin. Mahalagang matuto at intindihin ang ganitong bagay para mas maprotektahan ang sarili. Kung mayroon kang personal na tanong o pag-aalala, makipag-usap sa taong mapagkakatiwalaan mo (gaya ng iyong magulang, guro, o counselor). Tandaan palagi: karapat-dapat kang mahalin at suportahan, hindi husgahan. Ingat palagi.
Kalagayan ng Isip
Baby blues
Matinding kalungkutan, pag-aalala, o mood swings na karaniwang tumatagal ng isa o dalawang linggo matapos manganak
Depresyon
Higit na kalungkutan at stress nang unang matuklasan ang pagkabuntis. Ang stigma, problema sa pera, at kakulangan ng maaasahan ay pwedeng magpalala nito.
Postpartum Depression
Mas malalang uri ng baby blues na pwedeng magdulot ng matinding pagod, panic attacks, o ‘di kaya’y pananakit sa sarili.
Tingin sa sarili
Nagbabago ang katawan ng nagdadalang-tao, kaya’t maaaring bumaba ang tingin niya sa sarili at makaramdam siya ng matitinding negatibong emosyon.
Kalusugan
Ang katawan ng dalaga ay nagdedebelop pa lamang, kaya mas mataas ang posibilidad na marakanas sila ng mga delikadong komplikasyon.
Pre-eclampsia/eclampsia
Kombulsyon na maaaring may kinalaman sa pagkakaroon ng high blood at pagkasira sa laman loob
Anemia
Mababang bilang ng red blood cells or hemoglobin sa katawan na maaaring magdulot ng pagkapagod o iba pang komplikasyon
Gestational Hypertension
Pagka-high blood na nagsisimula sa kalagitnaan ng pagkabuntis as maaaromg mauwi sa maagang panganganak at mababang timbang ng sanggol
Pagbabago ng timbang
Mahirap makontrol ang sobrang pagtaas or pagbaba ng timbang at pwede itong madulot ng iba pang sakit.
Malnutrisyon
Ang hindi maayos na pagkain ay maaaring madulot ng kakulangan sa sustansya ng katawan ng buntis.
Pagbabago sa Buhay at Tahanan
Sitwasyon sa Pamilya
Maaaring mabigla ang pamilya sa pagbubuntis ng bata, at minsa’y nagkakaroon ng away dulot ng galit o kalungkutan. Ngunit, sa paglipas ng oras at panahon, natututo rin ang pamilya na tanggapin ang nangyari sa suportahan ang isa’t-isa para magpatuloy sa buhay.
Paghihirap sa Pera
Mahal ang pagpapalaki ng sanggol, lalo na kung bata pa ang ina. Mula sa pagpapa-ospital hanggang sa diaper at gatas ng bata, napakalaki ng dagdag sa gastusin ng pamilya.
Ripple Effect
Minsan, ang mga magulang ng ina mismo ang nag-aalaga ng sanggol. Maaari itong magdulot ng stress at mahati ang atensyon mula sa ibang anak sa pamilya. Mayroong mga pagkakataon na ang ganitong klaseng pressure ay mauwi pa sa muling pagbubuntis.
Pagbabago ng Pangarap
Maaaring huminto muna sa pag-aaral ang teenager upang maalagaan ang bata, habang ang magulang (o pati na ‘rin ang lolo’t lola) ay pwede ring isantabi ang sariling plano at trabaho upang tulungan ang teenager sa pagpapalaki ng bata.
Sanggunian
https://oureverydaylife.com/effect-teenage-pregnancy-family-6308598.html
https://www.healthline.com/health/pregnancy/teenage-pregnancy-effects#risk-factors
https://ballardbrief.byu.edu/issue-briefs/postpartum-depression-among-adolescent-mothers-in-the-united-states