Journey Through Sexual Education

Kasarian, Pagkakakilanlan ng Kasarian, at Sekswal na Oryentasyon

Ang pag-intindi ng kasarian, pagkakakilanlan ng kasarian, at sekswal na oryentasyon ay nakakatulong sa pag-unawa kung sino tayo at paano tayo nakikipag-ugnayan sa iba. Hinuhubog ng mga ideyang ito ang ating pagkatao, karanasan, at paraan ng pagtrato sa lipunan, kaya mahalaga ito sa pagsusulong ng paggalang, pagkakapantay-pantay, at pagiging inklusibo.

Kasarian vs. Pagkakakilanlan

Kasarian

  • Tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na pagkakaklasipika ng tao bilang lalaki, babae, o intersex, na karaniwang itinatalaga sa kapanganakan.
    • Intersex: Mga taong ang reproduktibong anatomiya ay hindi ganap na umaayon sa tipikal na kategoryang lalaki o babae.
  • Kabilang dito ang chromosomes, hormones, at mga organo ng reproduksyon.

Pagkakakilanlan

  • Tumutukoy sa mga katangian ng babae at lalaki na nabubuo sa lipunan.
  • Kabilang dito ang mga pamantayan, asal, at papel na inaasahan sa pagiging lalaki o babae.
    • Halimbawa: Ang mga lalaki ay pinipilit na maging matatag at hindi magpakita ng kahinaan, samantalang inaasahan sa mga babae na maging maalaga at maunawain.

Pagkakakilanlan ng Kasarian

Ang gender identity ay tumutukoy sa panloob at personal na pakiramdam ng isang tao tungkol sa kanyang kasarian. Ito ang malalim na pag-unawa kung itinuturing ng isang tao ang sarili bilang lalaki, babae, wala sa dalawa, o nasa pagitan ng iba’t ibang anyo ng kasarian. Maaaring pareho o magkaiba ito sa kasariang itinakda sa kapanganakan.

Pagpapahayag ng Kasarian

Ang gender expression ay kung paano ipinapakita ng isang tao ang kanyang gender identity sa publiko. Maaaring maipahayag ito sa pamamagitan ng kilos, pananamit, buhok, make-up, galaw ng katawan, at boses. Ang pangalan at mga panghalip (pronouns) na pinipili ng isang tao ay paraan din ng pagpapahayag ng kasarian. Kadalasan, nababatid ng iba ang kasarian ng isang tao batay sa mga nakikitang katangiang ito.

Sekswal na Oryentasyon

Ang sexual orientation ay tumutukoy sa emosyonal, romantiko, o sekswal na atraksyon ng isang tao sa iba. Maaaring maakit ang isang tao sa kabaligtarang kasarian, kaparehong kasarian, higit sa isang kasarian, o sa wala. Hindi ito konektado sa gender identity ng isang tao. May mga taong asexual, kung saan kaunti o walang nararamdamang sekswal na atraksyon.

  • Heterosexual: naaakit sa kabaligtarang kasarian
  • Gay/Lesbian: naaakit sa kaparehong kasarian
  • Bisexual: naaakit sa lalaki at babae
  • Pansexual: naaakit sa tao, anuman ang kasarian

Respect and Inclusion

Ang pagkakaroon ng pagkiling at diskriminasyon sa isang tao batay sa kanilang sekswal na oryentasyon o gender identity ay maaaring makasama sa pangkalahatang kapakanan ng isang tao. Kapag napipilitan ang tao na itago ang kanilang tunay na sarili, maaari itong magdulot ng stress, takot, at panglaw. Mas tumitindi ito kapag may kasamang ibang salik tulad ng lahi, relihiyon, o kapansanan.

 

Ang paggalang sa gender identity at sexual orientation ay mahalaga upang matiyak ang dignidad at pagkakapantay-pantay ng bawat tao. Nakakatulong ito sa paglikha ng isang ligtas at suportadong kapaligiran kung saan ang bawat isa ay maaaring maging totoo sa kanilang sarili. Sa pagbawas ng diskriminasyon at pagbibigay ng suporta, mapapabuti natin ang kalagayan ng lahat at makabubuo ng isang mas inklusibo at mahabaging lipunan.

Sanggunian

https://www.who.int/health-topics/gender#tab=tab_1

https://www3.ohrc.on.ca/en/policy-preventing-discrimination-because-gender-identity-and-gender-expression/3-gender-identity

https://my.clevelandclinic.org/health/articles/16324-intersex

https://www.webmd.com/sex/pansexuality-what-it-meanshttps://www.apa.org/topics/lgbtq/orientation