Journey Through Sexual Education

Reproductive Diseases

Ang reproductive diseases ay mga sakit na nakakaapekto sa paggana ng ating reproductive system. Mahalaga rin ang pag-intindi rito sa pag-aalaga ng iyong katawan. Tatalakayin dito ang mga karaniwang kondisyon, impeksyon, at kanser ng ating reproductive system.

Paalala: Ang mga nilalaman dito ay para tulungan kang maintindihan ang mga kondisyong ito. Kung nag-aalala ka sa iyong reproductive health, ang pinakamagandang gawin ay kumausap ng doktor, magulang, o counselor. Parating mabuting desisyon ang alagaan ang iyong kalusugan.

Mga Sexually Transmitted Infection

Ang sexually transmitted infection (STI) ay isang virus, bacteria, fungus, o parasite na pwedeng mahawa sa iba sa pamamagitan ng vaginal, oral, at anal sex. Marami sa mga STI ay may mahina o walang sintomas, kaya pwedeng may impeksyon ang isang tao nang hindi niya namamalayan.

Kasama dito ang:

Bacterial Vaginosis

Nangyayari ito kapag sobrang dami ng isang uri ng bacteria sa ari at nagiging sanhi ng imbalance.

 

  • Maputi, gray, o maberdeng discharge
  • Discharge na may amoy parang isda
  • Pangangati sa paligid ng ari
  • Nasusunog na pakiramdam kapag umiihi

Chlamydia

Isang karaniwang impeksyon na pwedeng magdulot ng permanenteng pinsala sa reproductive system ng babae, kaya’t napapahirap o napipigilan ang pagbuntis. 

 

  • Sa kababaihan
    • Puti, dilaw, o gray na discharge na posibleng mabaho
    • Nana sa ihi
    • Madalas na pag-ihi
    • May kirot o nasusunog na pakiramdam kapag umiihi
    • Pagdurugo sa pagitan ng regla
    • Masakit na pagregla
    • Masakit na pakikipagtalik
    • Pangangati o pag-init sa loob at paligid ng ari
    • Mahinang kirot sa ibabang bahagi ng tiyan

 

  • Sa kalakaihan
    • Parang mucus o malinaw na matubig na discharge
    • Kirot o nasusunog na pakiramdam kapag umiihi

 

  • Iba pang sintomas
    • Sakit, discomfort, pagdurugo, o parang mucus na discharge mula sa puwet
    • Sakit sa lalamunan
    • Pamumula, pananakit, at discharge sa mata

Genital Herpes

Isang impeksyon na nagdudulot ng sugat o paghahati ng balat o gilid ng bibig, ari, at rectum. Ang mga sugat na ito ay nagiging daan para makapasok ang HIV sa katawan.

 

  • Mala-trangkasong sintomas: lagnat, panginginig, pagod, at pananakit ng katawan
  • Pangangati, pag-init, o iritasyon sa ari
  • Masakit na paltos o sugat na pumuputok
  • Sakit ng ulo
  • Masakit na pag-ihi
  • Namamagang lymph nodes
  • Kakaibang discharge mula sa ari o urethra (ang tubo na naglalabas ng ihi)

Gonorrhea

Isang impeksyon na dulot ng bacteria na tumutubo sa maiinit at basang bahagi ng katawan, tulad ng ari, rectum, at lalamunan.

  • Sa kababaihan
    • Kakaibang puti o dilaw na discharge mula sa ari
    • Pananakit ng ibabang tiyan
    • Masakit na pakikipagtalik
    • Masakit na pag-ihi
    • Pagdurugo sa pagitan ng regla
  • Sa kalalakihan
    • Puti, dilaw, o berdeng discharge mula sa ari
    • Kirot o nasusunog na pakiramdam kapag umiihi
    • Masakit o namamagang ari
  • Iba pang sintomas
    • Lalamunan: Makati o kaskasin ang pakiramdam, sore throat, hirap lumunok
    • Puwet: Pangangati, discharge, sakit kapag dumudumi

Human Papillomavirus

Isang karaniwang virus na kumakalat sa pamamagitan ng intimate skin-to-skin contact at pwedeng magdulot ng ilang uri ng kanser sa hinaharap.

 

  • Magaspang na kulugo sa ari na parang cauliflower (posibleng makati)
  • Pwedeng magdulot ng cervical, vulvar, at vaginal cancer sa babae
  • Pwedeng magdulot ng anal, throat, at penile cancer sa lalaki

 

Paalala: May bakuna para maprotektahan laban sa HPV. Pwedeng kausapin ang magulang o doktor tungkol dito.

Mycoplasma genitalium

Isang impeksyon na posibleng magdulot ng urethritis and cervicitis. Dulot ito ng bacteria na naninirahan sa loob ng urinary o genital tract ng tao.

 

  • Kakaibang discharge mula sa ari
  • Nasusunog na pakiramdam kapag umiihi
  • Paglabas ng fluid (discharge) mula sa ari

Pelvic Inflammatory Disease

Isang impeksyon na karaniwang dulot ng ibang STI, tulad ng chlamydia at gonorrhea, kung saan ang bacteria ay umakyat mula sa ari o cervix papasok ng uterus, fallopian tubes, o ovaries.

 

  • Ang pinakakaraniwang sintomas ay pananakit o tenderness ng tiyan
  • Kakaibang discharge mula sa ari (karaniwang dilaw o berde na may kakaibang amoy)
  • Panginginig o lagnat
  • Pagduduwal at pagsusuka
  • Masakit na pakikipagtalik
  • Kirot o nasusunog na pakiramdam kapag umiihi
  • Irregular na regla o spotting/cramping sa buong buwan

Syphilis

Isang malubhang impeksyon na nakakahawa ng iba sa pamamagitan ng direktang kontak sa sugat ng syphilis (lumalabas sa ari o bibig) o pwedeng mailipat mula sa buntis na ina sa kanyang anak. Dumadaan ito sa mga stage at pwedeng magdulot ng malubhang problema sa kalusugan kung hindi magamot.

 

  • Primary syphilis (2 hanggang 12 linggo matapos mahawa)
    • Isang makinis at matigas na sugat na tinatawag na chancre ay lumalabas sa ari o bibig
    • Kusang nawawala ang chancre pagkalipas ng ilang panahon, pero hindi ibig sabihin na wala na ang impeksyon

 

  • Secondary syphilis (1 hanggang 6 na buwan matapos mawala ng chancre)
    • Paglabas ng magaspang na pantal na pwedeng kumalat sa buong katawan, kasama ang palad at talampakan
    • Lagnat
    • Pagkapagod
    • Mala-kulugong  sugat
    • Pananakit ng kalamnan (muscles)
    • Pagbaba ng timbang
    • Sakit ng ulo
    • Paglalagas ng buhok
    • Namamagang lymph nodes

 

  • Latent syphilis (maaaring tumagal ng 20 taon)
    • Pansamantalang biglaang pag-lala ng sintomas
    • Pagkasira ng puso, buto, nerves, at organs

 

  • Late (tertiary) syphilis
    • Pinsala sa utak, dementia, at cognitive health problems
    • Sakit sa puso
    • Movement disorders at problema sa kalamnan
    • Pagkasira ng nerves
    • Seizures
    • Problema sa paningin, pagkabulag

Trichomoniasis

Trichomoniasis: Isang impeksyon na dulot ng parasite na tinatawag na trichomonas vaginalis. Pwedeng tumaas ang risk na makakuha o makapagkalat ng ibang STIs.

 

  • Sa kababaihan
    • Pangangati, pag-init, pamumula, o pananakit ng ari
    • Di komportable kapag umiihi o nakikipagtalik
    • Malinaw, puti, madilaw, o maberdeng discharge (manipis o dumami) na may amoy isda

 

  • Sa kalalakihan
    • Pangangati o iritasyon sa loob ng ari
    • Pananakit, pamamaga, at pamumula sa ulo ng ari o foreskin
    • Nasusunog na pakiramdam pagkatapos umihi o mag-ejaculate
    • Madalas na pag-ihi
    • Manipis at puting discharge mula sa ari

Iba Pang Komplikasyon

Endometriosis

Ito ay isang karaniwang kondisyon (nakakaapekto ng 1 sa 10 babae sa buong mundo) kung saan ang tissue na katulad ng lining ng matris ay tumutubo sa ibang lugar kung saan hindi ito dapat, tulad ng espasyo sa likod ng matris, ovaries, at fallopian tubes. Maaari ring tubuan nito ang rectum, pantog, bituka, diaphragm, ari, at baga.

Hindi alam ng mga eksperto ang eksaktong dahilan ng endometriosis, ngunit ang kasaysayan ng pamilya ng kondisyon ay maaaring magturo sa mas mataas na panganib na magkaroon nito sa ilang mga punto. Ang kundisyong ito ay kadalasang nakakaapekto sa mga babae sa pagitan ng edad na 20 at 40, bagaman maaari rin itong mangyari sa mga teenager.

Sintomas

  • Mahina hanggang matinding pelvic pain
  • Malubhang sakit ng menstrual cramps
  • Pananakit ng tiyan o likod habang may regla o sa pagitan ng regla
  • Malakas na pagdurugo habang may regla o spotting sa pagitan ng regla
  • Masakit na pakikipagtalik
  • Infertility (hirap mabuntis)
  • Sakit kapag dumudumi o umiihi
  • Problema sa tiyan tulad ng diarrhea, constipation, o bloating

Polycystic Ovary Syndrome

Ang polycystic ovary syndrome (PCOS) ay isang hormonal imbalance kung saan masyadong marami ang male hormones ng babae. Nagdudulot ito ng irregular na regla, sobrang buhok sa mukha, tigyawat, at pagtaas ng timbang. Sa ultrasound, pwedeng makita ang maliliit na cysts sa loob ng obaryo. PCOS ang pinakakaraniwang sanhi ng infertility sa babae at pwedeng pataasin ng risk ng iba pang komplikasyon. Pwede nitong maapektuhan ang mga dalaga mula 15 taong gulang pa lamang

Hindi pa nalalaman ang eksaktong sanhi ng PCOS, pero alam nating naaapektuhan ito ng genetics, androgen (panlalaking hormone), at insulin resistance (na nagdudulot ng mataas na blood sugar).

Sintomas

  • Irregular na regla
  • Sobrang buhok sa mukha, braso, dibdib, at tiyan
  • Tigyawat sa likod, dibdib, at mukha
  • Obesity
  • Maitim na patches ng kutis sa leeg, kilikili, singit, o ilalim ng dibdib
  • Obaryo na mukhang mas malaki o maraming follicles sa ultrasound
  • Skin tags o maliliit na dagdag na balat sa kilikili o leeg
  • Pagkalagas ng buhok o pagkakalbo
  • Infertility: Hindi regular ang ovulation kaya hirap mabuntis

Uterine Fibroids

Ito ay isang uri ng tumor na nabubuo sa loob ng matris at pinakakaraniwang noncancerous tumor sa babae na kadalasang lumalabas sa edad 30 hanggang 50.

Ang eksaktong dahilan ay hindi alam, ngunit ang mga eksperto ay naniniwala na ang estrogen at progesterone ay gumaganap ng isang papel dahil ang karamihan sa mga fibroid ay nangyayari sa mga taong nasa edad ng reproductive.

Sintomas

  • Sobra o masakit na pagdurugo habang may regla
  • Pagdurugo sa pagitan ng regla
  • Bloating of pakiramdam na puno ang tiyan
  • Madalas na pag-ihi (kapag nape-pressure ng fibroid ang pantog)
  • Masakit na pakikipagtalik
  • Sakit ng ibabang likod
  • Hirap maglabas ng dumi o pakiramdam na may pressure sa rectum
  • Matagalang (chronic) discharge mula sa ari
  • Hindi maka-ihi o hindi mailabas lahat ng ihi
  • Paglaki ng tiyan na para bang buntis

Gynecologic Cancers

Ito ay mga sakit kung saan ang cells sa reproductive organs ng babae ay nawawala sa kontrol.

Ilan sa mga uri nito ay:

Cervical cancer

Nagsisimula sa cervix at kadalasang dulot ng HPV

Ovarian cancer

Nagsisimula sa ovaries o minsa’y sa fallopian tubes

Uterine cancer

Nagsisimula sa uterus

Vaginal cancer

Nagsisimula sa vagina

Vulvar cancer

Bihirang kanser na nagsisimula sa vulva

Fallopian tube cancer

Ang pinakabihirang uri ng gynecologic cancers, at maaaring magdulot din ng ovarian cancer

Infertility

Infertility is a common condition wherein people’s ability to conceive is greatly hampered or even prevented. Some signs include late or absent periods, or low or no sperm counts. Sa babae, pwedeng may kinalaman sa matris, baradong fallopian tubes, hindi regular na ovulation, o mababang bilang at quality ng itlog. Sa lalaki naman, pwedeng mababa o abnormal na sperm, genetic disorders, impeksyon, o hormonal issues.

Ang infertility ay pwedeng magdulot ng stigma, stress, at depression sa mag-asawa, lalo na sa mga gustong-gustong magkaanak. Nirerekomenda ng Simbahang Katoliko ang mag-ampon para sa mag-asawang hindi magkaanak at hindi nito  nirerekomenda ang artificial procedures tulad ng IVF, surrogacy, at artificial insemination.

Sanggunian

https://www.cdc.gov/sti/about/index.html

https://www.cdc.gov/bacterial-vaginosis/about/index.html

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/3963-bacterial-vaginosis

https://www.cdc.gov/chlamydia/about/index.html

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4023-chlamydia

https://www.cdc.gov/herpes/about/index.html

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/genital-herpes

https://www.cdc.gov/gonorrhea/about/index.html

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4217-gonorrhea

https://www.cdc.gov/hpv/

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/11901-hpv-human-papilloma-virus

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/mycoplasma-genitalium

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9129-pelvic-inflammatory-disease-pid

https://www.cdc.gov/syphilis/about/index.html

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4622-syphilis

https://www.nhs.uk/conditions/trichomoniasis/

https://www.cdc.gov/trichomoniasis/about/index.html

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10857-endometriosis

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8316-polycystic-ovary-syndrome-pcos

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9130-uterine-fibroids

https://www.cdc.gov/gynecologic-cancer/about/index.html

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/12216-cervical-cancer

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4447-ovarian-cancer

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16409-uterine-cancer

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15579-vaginal-cancer

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/6220-vulvar-cancer

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21540-fallopian-tube-cance

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16083-infertility

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17201-male-infertility

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17774-female-infertility

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14633-abnormal-menstruation-periods